Biyaheng Langit

halina’t magsaya! kalimutan ang problema!

Sleepy Wednesday

with 5 comments

Ito ay isang lathalaing pilipino (sa kabila ng aking pamagat na ingles):

Magandang hapon sa inyong lahat. nandito nanaman po ako, nagsusulat ng mga walang kabuluhan at walang kakwenta-kwentang artikulo sa aking blog. Xd. sa totoo lang ay naiinip ako ngaun, wala talaga akong magawa – sa blog ko man, sa aking mga transaksyon sa friendster at multiply, pati na din sa buong daigdig ng internet. nakatunganga lang talaga ako ngaun na tila inaantay ang pagdating ng pasko. lol, may dalawampu’t pitong araw pa bago ang pagsapit ng kapaskuhan. at mayroon pa akong sapat na oras para paghandaan ang nalalapit na pagdiriwang. sabik na nga ako eh, gusto kong malaman kung paano magiging iba ang pasko ko ngaun kesa dati. tsaka sabik na din ako sa mga matatanggap kong regalo. haha

Pero bago ang pasko, ating balikan muna ang ngaun. at tulad nga ng sabi ko kanina, nakakainip ang araw na ito. parang gusto kong matulog pero di ako inaantok. tsaka parang may gusto akong gawin na di ko magawa, dahil hindi ko alam kung ano ung gusto kong gawin. eh nakakatamad naman mag-aral para sa pagsusulit namin sa filipino bukas. siguro mamaya ko nalang gagawin un. Xd. hayy, ganto na pala kainip ang buhay ko ngaun. sa mga hindi po nakakaalam, hindi po kasi ako palalabas. ahehe. lagi po ako nandito sa loob ng bahay at nagmumukmok. lol. kaya aun, nakakabagot, wala akong maka-usap kundi itong blog ko lamang.

Oo nga pala, nagkaroon kami ng aktuwal na pagsusulit sa anatomy. ung pagsusulit naming iyon, tungkol sa mga buto at ang mga iba’t ibang buto sa ating katawan. pinag-aralan na rin namin ang mga parte ng parte nito. grabe talaga, nakakaubos ng lakas tsaka nakakatuyo ng utak. Xd. ewan ko lang kung ano ang makukuha kong iskor sa pagsusulit na iyon, sana pasado ako. at sana lang makapasa kaming lahat sa aming pangkat sa asignaturang iyon. good luck sa aming lahat, ipagdasal nyo po kami. lol

Ahh, hanggang dito nalang po! dumating na pala ang aking mga magulang mula sa ospital. nanatili kasi sila doon ng mga apat o limang araw dahil masama ang pakiramdam ng aking itay. paalam na po!

Written by nikko

Nobyembre 28, 2007 Sa 5:25 hapon

5 Tugon

Subscribe to comments with RSS.

  1. huwaw. ako’y namangha sa iyong isinulat. maxado ata akong na tats. lol.
    ganyan din ang naranasan ko nung sembreak. nakatungaga sa harap ng kompyuter, nag aantay ng valentines day. lol. kami din manong eh. may pagsusulit sa filipino bukas, tungkol dun sa wika etc. sana lang alam ko ang sagot doon. lolengs. mga buto ah? ano namang natutunan mo sa pag aaral ng mga buto? hahaha. cge. mag ingat ka. XD

    neex: haha. lol. ginalit nyo ata kasi teacher nyo eh. hehe.. mga buto? wag nalang baka ma-nosebleed ka sa sobrang dami. Xd

    Lois

    Nobyembre 28, 2007 at 9:30 hapon

  2. wag na nga lang. baka hindi magkasya ang espasyo mo dito. haha. nahahawa ako sau manong. ang lalim kasi ng tagalog mo eh. haha. nakakanosebleed na. XD

    neex: haha.. nakakanosebleed na ba? ako din eh nanosebleed. Xd.. gumamit pa ko ng online english-filipino translation para lang maging filipino. hehe

    Lois

    Nobyembre 28, 2007 at 10:13 hapon

  3. nix.. i’m tagging you, check out my last post! :-P pag pasenxahan, first tym kong mag tag.. lol

    p.s. bukmark ko muna posts mo..hehe

    neex: ahehe.. ok lang yan ate weng

    weng

    Nobyembre 28, 2007 at 11:37 hapon

  4. ano nix napag isipan mo na ba ung na-offline message ko sayo?

    ampopo kadugo ng ilong ang iyong lathalain.

    neex: ate meng thanks :)

    thrisha

    Nobyembre 29, 2007 at 1:26 umaga

  5. sa pagkakaalala ko eh bagsak ako sa pagsusulit namin tungkol sa buto ng tao (skeletal system sa ingles), dahil isang moving exam iyon kaharap ang bangkay. subalit binawi ko naman ang aking iskor pagdating sa Muscular, circulatory, at nervous system. ngunit sa panahon ding iyon ang nagpapula ng aking suot dahil sa taragis na nosebleed na yun, letch!

    neex: sa tuesday ko malalaman kung pasado ako dun sa practical exam.

    weng

    Nobyembre 30, 2007 at 11:21 umaga


Mag-iwan ng Tugon