Biyaheng Langit

halina’t magsaya! kalimutan ang problema!

Estudyanteng Teacher

with 3 comments

Simula bukas, Jan.15, magiging isa na akong teacher ng isang daycare sa may Commonwealth area (i think). ano kaya pakiramdam ng maging gnun – sa harap ka ng mga bata, nagtuturo, na wala kang idea kung naiintindihan ka ba nila or hindi – ano kaya mararamdaman ko? oo, ako, na isang mahiyaing bata (16 years young – considered as bata pa un. hehe) na laging kinakabahan pag nakatayo sa harap ng maraming tao at pinagtitinginan, na lagi mong makikita sa isang sulok lang at di umiimik, ano kaya mangyayari sakin? siguro nga pampaalis-kaba din un at pampalakas ng whatever-na-so-called-nilang-SELF-CONFIDENCE-and-everything, eh effective naman kaya un sakin? alam nyo po kasi, lahat na ata ng paraan ginawa ko – humarap na sa salamin at nagmukhang t*nga kakasalita, pilit na nagpaparticipate sa mga group/individual reports sa klase, ilang beses na rin akong humarap sa madlang people of the community at nag-ala-balagtas at minsa’y humataw na din sa dancefloor – pero wa epek lahat. nahihiya parin ako. lagi parin akong nakakaramdam ng kaba at lumalakas parin ang pag-dug-dug ng aking BROKEN heart xP.

(At bago mapunta kung saan ung pinagsasasabi ko..)

Well, siguro may idea na ung ilan sa inyo. para po sa NSTP2 namin un. kelangang maka-30 hours kami sa pagtuturo, at bukas ng umaga un magsisimula. aww, wala kasi kaming klase ng umaga tuwing tuesdays so ginagamit ko ung time na un para makapagpahinga at makabawi sa nakakapagod na linggo (in short, additional hours para sa aking paboritong gawain – matulog). alam nyo po kasi ulit, nakakatamad ng mga gnung oras, ang magandang gawin talaga is matulog sa mga ganung oras. err, di ko pa nga alam anong oras kami magkikita-kita ng mga ka-grupo ko eh. tapos gagawa pa daw ng lesson plan, eh di ako marunong kung pano. O_O heck! anong klaseng lider yan? di alam anong gagawin, lol. sino ba kasing may sabi ako ang lider?! nakakatamad kaya maging lider.. T_T

Anywayz, salamat po sa mga nagcomment sa previous post ko kahit mejo naging oa at madrama ung content. la ako magawa eh, sinumpong nanaman kasi. well, pasalamat kau di ako sinusumpong ngaun. haha.

Err.. amp nmn, tagal magreply ng classmate ko. nararamdaman ko tuloy ngaun – halong kaba tsaka excitement para bukas, hehe. sabihan nyo ko ng gudluck ha! (actually dami ko pa gustong sabihin sa inyo eh, lalo na ung mga natutunan ko sa school. hehe. pero next time nalang siguro)

Written by nikko

Enero 14, 2008 Sa 9:41 hapon

3 Tugon

Subscribe to comments with RSS.

  1. goodluck manong! bohaha.. pag may makulit batuhin mo ng libro.. dapat duguan ah.. bohahaha

    neex: hehe. thanks! kelangan ko nyan.

    thrisha

    Enero 16, 2008 at 9:23 hapon

  2. nyahaha! gudluck manong! :-)

    neex: thanks din! hehe

    weng

    Enero 17, 2008 at 11:22 hapon

  3. ui ni-tag nga pala kita..

    thrisha

    Enero 18, 2008 at 6:26 hapon


Mag-iwan ng Tugon