Archive for Mayo 28th, 2008
Manong
Nikko.. Nix.. Neex..
Mga madalas na itawag sa akin ng mga nakakakilala sa akin. minsan pa nga ay Nikx o kaya Nixxx (masagwang basahin para sa batang tulad ko), lagyan pa nila ng kuya, ading, o kung ano ano pang kaek-ekang maisip ng isang tipikal na utak ng pilipino. sosyal man para sa iba, baduy parin kung itatanong nyo sa akin. at sa lahat ng mga bansag na ginawa nila, itong isa ang nabaduyan lang ako ng husto. MANONG.
Di naman masama kung iniisip nyo. may kaklase nga ako sa hayskul na MANONG din ang tawag sa kanya. MANONG dahil mga dalawa o tatlong taon ang tanda niya sa amin. MANONG dahil mukha talaga siyang MANONG. isa pa, MANONG din ang tawag naming magpipinsan sa iba naming pinsan na lagpas tatlong taon ang tanda sa amin. lalake sila malamang. at ang huli, diba MANONG din ang tawag natin sa mga lalakeng mukhang adik sa lansangan kung di natin sila kilala? kaya tanong ko lang sa inyo. ganoon na ba ako katanda para ihalintulad at isama sa mga nabanggit kong mga MANONG? ang sagot ko po ay hindi. bata pa po ako, single, at hindi pa nagkaka girlfriend. opo, bata, hindi isip bata. at kung tatanungin nyo po sa akin kung sino ang salarin. isa po siyang ECE student sa mapua na ilang buwan o araw lang ang bata sa akin. CHESTER ADAMOS po (hayop ka ches, di ako hip hop. ngayon lang uli kita pinansin, ginago mo na agad ako).
Aking pangalan ay nilapastanganan,
na parang aking pagkatao’y pinagsamantalahan.
Pero kahit anong pangalan man ang itawag sa akin. ako parin ito – Nikko. ang inyong MANONG.

