Biyaheng Langit

halina’t magsaya! kalimutan ang problema!

Manong

with 13 comments

Nikko.. Nix.. Neex..

Mga madalas na itawag sa akin ng mga nakakakilala sa akin. minsan pa nga ay Nikx o kaya Nixxx (masagwang basahin para sa batang tulad ko), lagyan pa nila ng kuya, ading, o kung ano ano pang kaek-ekang maisip ng isang tipikal na utak ng pilipino. sosyal man para sa iba, baduy parin kung itatanong nyo sa akin. at sa lahat ng mga bansag na ginawa nila, itong isa ang nabaduyan lang ako ng husto. MANONG.

Di naman masama kung iniisip nyo. may kaklase nga ako sa hayskul na MANONG din ang tawag sa kanya. MANONG dahil mga dalawa o tatlong taon ang tanda niya sa amin. MANONG dahil mukha talaga siyang MANONG. isa pa, MANONG din ang tawag naming magpipinsan sa iba naming pinsan na lagpas tatlong taon ang tanda sa amin. lalake sila malamang. at ang huli, diba MANONG din ang tawag natin sa mga lalakeng mukhang adik sa lansangan kung di natin sila kilala? kaya tanong ko lang sa inyo. ganoon na ba ako katanda para ihalintulad at isama sa mga nabanggit kong mga MANONG? ang sagot ko po ay hindi. bata pa po ako, single, at hindi pa nagkaka girlfriend. opo, bata, hindi isip bata. at kung tatanungin nyo po sa akin kung sino ang salarin. isa po siyang ECE student sa mapua na ilang buwan o araw lang ang bata sa akin. CHESTER ADAMOS po (hayop ka ches, di ako hip hop. ngayon lang uli kita pinansin, ginago mo na agad ako).

Aking pangalan ay nilapastanganan,

na parang aking pagkatao’y pinagsamantalahan.

Pero kahit anong pangalan man ang itawag sa akin. ako parin ito – Nikko. ang inyong MANONG.

Written by nikko

Mayo 28, 2008 Sa 5:07 hapon

Ipinaskil sa Ako naman, Kahit anong mapagtripan

Tagged with

13 Tugon

Subscribe to comments with RSS.

  1. awtz. neex. ahha. wala ng manong yun ah..
    c chet pala ang salarin eh. nahawa lang kami, ay ako. >.< c chet na lang tatawagin kong manong. XD

    neex: oo, tama. sya ang salarin.

    Lois

    Mayo 28, 2008 at 8:13 hapon

  2. haha! madalas din akong mang-asar at mantawag(ano daw? mantawag? whattaword!) ng manong… lalo na pag nainis yung mga inaasar ko. hehehhe…

    neex: aw. sana di ako mapabilang sa mga taong aasarin nyo.. :D

    aKDa

    Mayo 28, 2008 at 9:08 hapon

  3. ay nakow.. nahawa nga naman talaga ako kay kuya ches.. ahahha.. namiss ko yun..bwhahaha..

    anyway, sweet yung post mo ngayon manong este kuya nix ha.. nah.. i still wanna call you manong but please don’t think negative.. i really like calling u manong…hahahhaha…

    neex: ok lang. magsawa kayo sa kaka manong nyo sakin. may araw din ako. bwahahaha.. lols. pero di ko gets yung sweet yung post ko. ;)

    nicey

    Mayo 28, 2008 at 9:32 hapon

  4. aaww..buti na lang hindi kita tinatawag na MANONG..ahaha..kuya nix or kuya neex nga tawag ko sayo(kahit na matanda ako sayo) ahahaha…hala lagot si chet nyan..tsk tsk tsk kung ako sa kanya magtago na sya..ahahaha..

    neex: adik kasi tayo kayo. lalo na si ches. dapat lang magtago sya sakin. buwahaha

    imbroken

    Mayo 29, 2008 at 2:45 umaga

  5. manong, feeling ko naman ang tanda tanda mo na sa ganyang pangalan :D

    neex: ahaha. kahit gaano katanda ang itawag sa akin, ako ay mananatiling batang-bata sa paningin ng iba. =D

    kengkay

    Mayo 29, 2008 at 2:50 umaga

  6. haha. natatawa ako nung binabasa ko ang post. xD ayan ka na naman sa matalinghaga mong mga salita. xD

    ” Aking pangalan ay nilapastanganan, na parang aking pagkatao’y pinagsamantalahan.”

    naalala ko ang el filibusterismo kong topic sa filipino noong senior hs ako. hahaha. :) )

    ang cute ng post. ikaw na ikaw. yey! and.. naisip ko lang, kaya pala di kita tinatawag na “manong” kasi mas matanda ako sa iyo! wahahahaha.

    neex: filibusterismo? fyi di ako isang avid Jose Rizal fan para gayahin sya. matanda ka nga sakin.. ng isang araw. :)

    Kimmie

    Mayo 29, 2008 at 1:18 hapon

  7. MANONG Neex, nice :) parang perfect combination naks!

    Ang naaalala kong tinatawag ko na manong, eh yung sorbetero na dumadaan sa street namin tuwing weekend hehehe.. :)

    neex: kitams. ang manong ay para sa mga taong di mo talaga kaclose. ehehe

    Aling Baby

    Mayo 29, 2008 at 4:26 hapon

  8. hahaha! ang naaalala kong MANONg eh ung mga jipney draybers.. hahaha.. manong bayad po.. hahaha! XP

    neex: kung magkataong ako yung manong na yun, ililibre kita ng sakay

    batopik

    Mayo 29, 2008 at 6:48 hapon

  9. manong.. tawag ko sa driver ng jeep… waaaahhh!! peace!

    neex: libre sakay ka na din.

    wei vines

    Mayo 29, 2008 at 7:58 hapon

  10. asust manong! :)

    neex: libre sakay din ba? xP

    aga

    Mayo 29, 2008 at 9:23 hapon

  11. uu nga. nakakahawa kc c ches.
    kaya pati kami, manong na ung tawag sayo. :) )

    ako din manong. libre sakay na. \:D/

    neex: tara. nasa may quiapo lang ang sakayan.

    donaLyn

    Mayo 29, 2008 at 9:27 hapon

  12. ui manong! hehehe!
    okay lang yan!
    sa amin kasi sign of respect yan. hahaha!

    neex: respect? neex-sama nalang. hehehe

    eloiski

    Mayo 29, 2008 at 9:58 hapon

  13. kaw na lang tawagin kong FAFENG tas si chet MANONG….hmmm…. teka.. ahaha pero walang essence eh .. lols essence?

    lam mo.. napadikit na sa kautakan namin yung ‘manong’ at once na mabasa/marinig ko un, ikaw naiisip ko.. NAKS!

    lols. naku nikzzz.. kahit matanda ako sau.. alam mu naman na hindi negative yung manong na yun diba? hmm.. pero inde naman madalas ung pag manong ko daba? hahahaha..

    ^^,

    neex: fafeng?! manong nalang pwede na yun. hahaha. ang sa akin lang, tulad ng sinabi ko kay lois sa ym, wala namang masama kung tawagin akong gnun. baduy man para sa akin. tanggap ko na din :)

    thrish

    Mayo 29, 2008 at 10:58 hapon


Mag-iwan ng Tugon